TANGKILIKIN ANG SARILING ATIN,WIKANG FILIPINO ATING GAMITIN
Wikang sariling atin di dapat baliwalain,wikang banyaga di dapat pairalin.
Tunay nga na nawawala na ang pagkakakilanlan nating mga Pilipino.Pinapairal na ang mga wikang banyaga sa ating sariling bayan.Sa aking adbokasiya,kinakailangan natin ilagay sa ating puso’t isipan na ang wikang Filipino ang wikang pambansa natin.Kinakailangan na araw araw natin itong gamitin sa paaralan maging sa tahanan.Sa panahon ngayon bihasa na ang mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Ingles.Ang tanong bihasa rin ba sila sa wikang pambansa?Isa lamamg ang nais iparating ni Dr.Jose Rizal sa kanyang sinulat na ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda ay simple lamang,gusto niyang ipaalam sa mga Pilipino na mahalin at tangkilin ang sariling atin.
Gamitin natin ito araw-araw.Dahil dito maipapakita natin ang ating pagka-Pilipino.Angating pagkamakabayan at pagkakaisa.Bilang isang mamamayan ng ating bansa gamitin,mahalin at huwag baliwalain ang ating Wikang Pambansa.Ito dapat ang ating pairalin.
Ipaglaban ang ating wikang pambansa.Wikang Filipino para sa mga PILIPIN!
No comments:
Post a Comment